Sa pag-walk out ni CJ: Cuevas sinabon ni Enrile

IBINALING ni Senator-Judge Juan Ponce Enrile kay Serafin Cuevas, lead counsel ng depensa ang pagkainis sa ginawang pag-walkout ni Chief Justice Renato Corona matapos ang kanyang ilang oras na opening statement kanina sa pagpapatuloy ng impeachment trial.

Paliwanag ni Cuevas na maging sila ay nagulat sa biglang pagtalikod ni Corona na nakaranas pala ng pagbaba ng blood sugar level.

Galit na sinabi ni Enrile na dapat ay pinigilan ni Cuevas ang kanyang kliyente na mambastos ng korte dahil hinayaan naman itong magpahayag ng kanyang saloobin at ibinigay ang respetong nararapat sa kanya.

Binigyan naman ni Enrile si Cuevas ng hanggang bukas, Miyerkules para pabalikin sa Senado si Corona na pakiramdam ni Enrile ay ayaw lang magpa-cross examine kaya nag-a-alibi.

Bukas, simula alas-dos ng hapon, kapag hindi aniya lumutang si Corona sa impeachment court ay submitted for resolution na ang kanyang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply