Saging ng Pinas tinanggap na ng China

TINANGGAP na ng China ang produktong saging ng Pilipinas na una nilang  tinanggihan.

Ang pagtanggap ng China sa naturang produkto ay kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) matapos ang ginanap na dayalogo ng naturang ahensya kaugnay sa ni-reject na banana export ng nasabing bansa.

Napag-alaman na libu-libong kahon ng mga saging ang tinanggihan ng China kaya nalugi ang mahigit P700 million banana planters sa bansa.

Ang pagpayag ng China ay bunsod ng isinasagawang pulong technical team ng Pilipinas sa Chinese quarantine officers dahil sa isyu ng mga na-reject na prutas ng bansa.

Sinabi ni Agriculture Asst. Sec. Salvador Salacup na tinanggap na sa China ang ilan sa mga produktong saging makaraang isinailalim sa pagsusuri.

Una nang inihayag ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na hindi naman minamasama ng Pinas ang paghihigpit ng China at ang mahalaga rito ay mapagbuti pa ang mga produktong iniluluwas, hindi lamang sa China kundi sa ibang bansa tulad ng Midle East, Japan at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply