Sakit ‘di nakayanan, Chinese nag-suicide, patay

BASAG ang bungo at bali-bali ang katawan ng isang Chinese national matapos itong tumalon mula sa 6th floor ng isang ospital sa Ermita, Maynila, dahil hindi na umano makayanan ang sakit na breast cancer.

Kinilala ang namatay na Lucing Lim, 58, ng Concepcion Agila sa San Miguel, Maynila.

Nabatid na halos isang buwan na sa Manila Doctors si Lim mula pa nitong Abril 2.

Walang nakitang senyales na may foul play ang insidente kaya’t hiniling ng pamilya ng biktima sa awtoridad na huwag nang mag-imbestiga.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply