Sakit na makukuha sa pagsusuot ng ukay-ukay pinag-aaralan ng DOH

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga sakit na maaaring maukha sa pagsusuot ng ukay-ukay na damit.

Ayon kay DOH Davao Regional Director Dr. Salvador Estrera Jr, hindi pa nila masabi na posibleng magdulot ng respiratory diseases ang paggamit ng ukay-ukay.

Gayunman,  maaari aniyang nagtataglay ng germs at bacteria ang ukay-ukay at ito ang posibleng magdulot ng mga sakit.

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng babala ni Davao City Health Officer Dr. Josephine Villafuerte na pwedeng magdulot ng respiratory tract infections ang ukay-ukay kapag hindi ito na-disinfect ng maayos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply