Sakla, VK, lotteng, bookies talamak sa Maynila

SINASABING ang Metro Manila daw ang pinakamahigpit pagdating sa mga iligal na pasugalan dahil nandito ang punong tanggapan ng Philippine National Police (PNP) at ang National Capital Region Police Office o NCRPO pero bakit talamak pa rin dito ang mga iligal na pasugalan partikular na sa lungsod ng Maynila.

Paanong masasabi na mahigpit ang mga iligal na pasugalan sa Maynila gayung makikita mo ang mga ito na nakalatag sa mga matatao at mga sentrong lugar.

Katulad ng saklaan nitong si “Aging” na nasa may Recto sakop ng Police Station 2 ng Manila Police District (MPD) ilang metro lang ang layo nito sa Asuncion PCP. Napaka-busy ng lugar na ‘yan pagdating ng gabi dahil dito ibinabagsak ang mga kalakal na nagmumula pa sa iba’t ibang probinsiya.

Sinisimulan daw ang operasyon ng saklaan kapag dumarating na ang mga biyahero mula sa iba’t ibang probinsiya.

Sinasabing ang namamahala raw ng operasyon ng saklaan nitong si Aging ay isa umanong barangay chairman na kinilalang si Rey Robles.

Maliban sa nasasakupan ng Police Station 5 ng MPD, ang buong Maynila ay may mga nakatanim na mga makina ng Video-Karera o mas kilala sa tawag na VK kung saan ang isa sa mga operator ay nagngangalang Gina Gutierrez.

Hindi ko lang alam kung itong si Gina Gutierrez ay kamag-anak ni MPD Director Alex Gutierrez, o kaya ay magkaapelyido lang o posible rin namang ginagamit lang nito ang apelyido ng heneral para makaiwas sa huli.

Kung saan-saang lugar naman sa Maynila nakalagay ang mga bookies nitong sina Boy Abang, Pacia at SPO2 Rolando Simbulan.

Kahit saang lugar na sakop ng  Station 3, 4, 5 at 8 ng MPD ay makikita mo ang mga nagpapataya ng sugal na sinasabing hindi raw sila kayang hulihin ng mga pulis dahil ang namamahala raw ng intelihensya nito ay isang retired na pulis Maynila.

Wow! Bigat naman ng gambling lord na ito. Hindi lang pala sa Quezon City namamayagpag ang taong ito kundi maging sa Maynila rin. Akala ko ba ayaw ni Manila Mayor Alfredo Lim ng mga iligal na pasugalan sa kanyang lugar, eh ano ang tawag niya rito?

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhesti-yon at kumento, mag-text lang po sa 0915-5683000 at 09087230036 o kaya ay mag-email lang sa lily_reyes13@yahoo.com…

oOo

GUSTO ko lang pong pasalamatan ang programang “TAR-GET ON AIR,  ng ating kapatid sa hanapbuhay na si Rex Cayanung, na mapakikinggan tuwing araw ng Sabado mula alas- 11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa DWAD radio, 1098 khz.

Bukod sa public service ay tinututukan din ng programang ito ng ating katotong si Rex Cayanung ang mga tiwaling tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Mabuhay ka, kapatid, at good luck sa iyong bagong programa sa radio na “TARGET ON AIR” at salamat sa suporta sa Lily’s Files Column ng pahayagan nating REMATE.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply