Sales agent ng CCTV itinumba sa Quezon City

NIRAPIDO ng dalawang miyembro ng kilabot na bonnet gang ang isang sales agent ng closed- circuit- television (CCTV) camera sa loob mismo ng kanyang bahay sa Quezon City kagabi (May 1).

Nagtamo ng tatlo hanggang limang bala ng kalibre 45 sa katawan at namatay noon din ang biktimang si Geovix Espino, 32-anyos ng Barangay Culiat, Q.C.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang mga salarin pero may sinusundan na silang lead dahil may isang matandang babaeng kausap ang biktima bago naganap ang insidente.

Sa ulat ng CIDU, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kagabi sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa isa sa dalawang kainuman ng biktima na si alyas Ayan, bago ang insidente ay may dumating na isang matandang babae sa bahay ng biktima pero matapos mag-usap ay umalis din kaagad.

Halos kauupo pa lamang ni Espino para samahang muli ang dalawang kainuman nang pumasok ang mga suspek at basta na lamang pinagbabaril ito bago nagsitakas lulan ng dalawang motorsiklo.

Nanghihinayang naman ang CIDU, dahil nakita sana lahat ang buong pangyayari kung may nakakabit na CCTV camera sa bahay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply