Salesman tumilapon sa motor, pisak sa mixer

PATAY ang isang salesman makaraang masagasaan ng cement mixer matapos tumilapon sa kanyang sinasakyang motorsiklo sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ronald Rosales, 21, tumilapon muna sa minamanehong motorsiklo habang binabaybay ang East Avenue bago nasagasaan ng mixer na minamaneho naman ng isang Rogelio Oquias, bandang alas-3:00 ng madaling-araw.

Ayon pa sa ulat,  nalubak muna ang motorsiklo ng biktma kaya sumemplang na ikinatilapon niya at nagkataon namang parating ang cement mixer.

Hindi pa napansin ng driver ng mixer na may nasagasaan siya kaya nagtuluy-tuloy pa sa pagmamaneho at hinabol na lamang ng kasunod na bus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply