Salsalerong abogado (2)

MABILIS na tinutukan ng baril, dinisarmahan, ipinosas at pinadapa ng mga taga-CIDG ang mga pulis QC na nagpapakilala subalit hindi pinansin ng mga taga-CIDG.

Mabuti na lang, isa sa mga pulis na nasa sasakyang malayo sa mga kasamahan ang mabilis na nakatalilis at humingi ng responde sa mga pulis na nakatalaga sa Camp Tomas Karingal.

Halos isang batalyon ang mga rumespondeng pulis mula sa iba’t ibang unit ng QCPD.

Kahanga-hanga naman ang mabilis na kilos ng mga ito at tiyempong inabutan ang mga tauhan ng CIDG na kanila namang tinutukan. Pilit binawi ng isang tinyente ng CIDU ang mga tauhang nalagyan ng posas at dadalhin sanang pilit sa tanggapan ng CIDG upang sabihing kidnappers.

Nang ayaw ibigay ng isang Major ng CIDG ang huling Chinese woman, binantaan na siya ng tinyente na ipararatrat sa mga nakapalibot sa kanilang mga pulis. Kaya naman nabawi rin ang mga pulis at huling pugo (tawag sa huling suspek o akusado).

Ipinipilit ng salsalerong abogado na kidnapping ang ginawa ng mga pulis ng CIDU gayung noong Huwebes pa lang ay pirmado na ni QCPD district director Chief Supt. Mario dela Vega ang pre-operations ng tauhan niya.

Walang mali sa ginawa ng mga tauhan ni Gen. Dela Vega. Inaresto nila ang isang taong hinatulan ng parusang pagkakakulong ng korte kaya’t dapat pa ay parangalan ang mga ito. Muntik na mag-buwis ng buhay ang mga pulis ng CIDU dahil sa kagustuhan ng abogadong mailigtas sa kulong ang kanyang kliyente na batid naman niyang hindi puwedeng piyansahan.

Pero high tech na talaga ang karma (mabilis bumalik) dahil nang magtungo sa Camp Karingal ang kaibigan ni Ong na si Edna Alfuerto ay nakilala ito ng mga pulis at inaresto ring katulad ni Ong dahil may warrant siya.

Dapat sigurong paimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang pangyayari upang ma-parusahan ang may kasa-lanan. Duda tuloy ang maraming pulis lalo na ang mga taga-Camp Crame na baka (gatasan) ng CIDG ang babaeng tinangka nilang iligtas mula sa pagkakakulong.

Bakit naman kasi tila buwis-buhay ang gusto ng taga-CIDG na mangyari huwag lang maaresto ang Chinese na ito?

Dapat din sigurong ipa-disbar ang abogadong salsalero at iresponsable na nang dahil sa kanya ay muntik magpatayan ang magkakabaro.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply