Salsalerong abogado

MARAMING dugo ang muntik dumanak sa Quezon City dahil sa kagagawan ng isang iresponsableng abogado na humingi ng responde mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Biyernes ng hapon kaugnay sa umano’y pagdukot sa kanyang kliyente nang  hindi kilalang kidnap for ransom group (KFR).

Nagkaroon ng tutukan sa pagitan ng mga elemento ng CIDG at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa maling ulat na  ibinigay ng isang Atty. Espina.

Itinawag umano ng abogado sa CIDG na dinukot ng mga armadong lalaki ang kanyang kliyenteng si Marilyn Ong at dinala sa Quezon City kaya naman mabilis na nagtungo sa nasabing lungsod ang mga tauhan ng CIDG-National Capital Region (NCR).

Subalit ang totoo, inaresto ng mga tauhan ng CIDU si Ong sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court.

Si Ong ay pinatawan ng parusang kulong ng nasabing korte sa kasong Batas Pambansa (BP) 22 o issuance of bouncing check.

Sa daan, hinarang ng mga taga-CIDG ang mga taga-CIDU nang maispatan ang akusadong sinasabi naman ng abogado nito na kinidnap.

Mabilis na tinutukan ng baril, dinisarmahan, ipinosas at pinadapa ng mga taga-CIDG ang mga pulis QC na nag-papakilala subalit hindi pinansin ng mga taga-CIDG. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply