Salvage victim napulot sa Caloocan City

NAKASILID sa karton nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage, sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Ayon sa report, ang biktima ay may taas na 5’5”, may tattoo ng Sputnik at naka-brief lang nang matagpuan sa Torsillo St., Dagat-Dagatan ng lungsod dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Isang residente ang nakakita sa kahon na binalutan ng packaging tape habang may nakasulat na “Jumper” at “Danny Toyo kaw na ang susunod”

Agad na itinawag sa pulis ang nakita at nang respondehan ay binuksan ang karton hanggang sa tumambad ang hubad na katawan ng biktima na may mga saksak din sa katawan.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang biktima na dinala na sa St. Justin Funeral Homes.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply