Salvage victim natagpuan sa Kyusi

ISANG bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang itinapon sa West Fairview, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, tinatayang nasa 30 hanggang  40 anyos ang biktima, nakasuot ng short pants at damit na checkered at nakalagay ang isang bayong sa katawan nito na may nakalagay na “akyat bahay ako”.

Sinabi sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) dakong 2:11 ng madaling araw kanina nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bahagi ng Dhalia corner Daisy Street, West Fairview, QC

Ayon sa ulat nakakita lamang itinatapon ang bangkay ng biktima mula sa isang kulay puting L300 Van na hindi na naplakahan.

Sinabi naman ni PO3 Jojin Hernandez pinapalagay na pinatay sa sakal ang biktima at itinapon lamang sa  naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply