Sana ay matapos na ang trial ni CJ

MABUTI naman at pumayag na si Chief Justice Renato Corona na humarap sa impeachment court upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga nagpaparatang sa kanya.

Sana nga ay totoo ang sinabi ng defense panel ng Chief Justice na handa na siyang harapin “head on” ang mga bintang sa kanya.

Maaaring maganap ang confrontation next week or sa isa pang linggo depende sa haba at dami ng mga witness na ipinatatawag ng mga abogado ni Corona.

Pero huwag kayong umasa nang husto. Walang kasulatan na tinitiyak ni Corona ang kanyang pagsipot sa Senado. Hearsay lang yan. Tsismis.

Ganyan kalubha ang credibility ng defense panel at ni Corona mismo.

Mismong mga abogado ni Corona na ang nagsasabing may mga taong hindi naniniwala kay Corona.

Iyan ang dahilan, ang sabi ng mga abogado, kung bakit haharap na finally sa impeachment court ng Senado si CJ Corona.

Ang tatalakayin sa Lunes sa impeachment trial ay ang $10 million or so na dollar accounts na sinasabing pag-aari ng ating Chief Justice.

Ang pangamba ko lang ay baka puro objection ang ating marinig kay Atty. Serafin Cuevas na sikat na lecturer.

At sa dami ng mga technicality na maaring isagawa ni Cuevas and company ay antukin tayo sa kanyang mga lecture tungkol sa criminal proceedings.

Baka mag-lecture rin si Senador Miriam Defensor Santiago tungkol sa husay niya sa batas.

Alam naman ninyo si senadora ay line of seven ang grado sa bar exam at dalubhasa sa trial.

Dati rin siyang huwes.

Ganoon pa man, umasa tayo na matatapos na ang trial ni Corona.

Ang final judgment ay ngayong buwan na ito dahil inip na inip na ang bayan sa kahihinatnan ng paghuhukom.

Subalit mayroon  pang  isang agam-agam na ating dapat isaalang-alang.

May nakabinbin pang petition sa Supreme Court na nagdarasal na ma-declare na unconstitutional ang impeachment trial.

Hangga’t hindi binabawi ni Corona ang petition seeking to nullify the impeachment proceedings ay nariyan pa rin ang pangambang mauuwi sa wala ang paglilitis kay Corona.

Kung mangyayari iyan ay tiyak na malaking gulo ang ating mararanasan sa katapusan ng Mayo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply