Sanchez vs Phillips sa American Idol finale mamaya na

ILANG MINUTO na lang anghinihintay para sa showdown ng dalawang finalist ng American Idol Season 11 na sina Pinoy pride Jessica Sanchez at crowd favorite na s Phillip Phillips, ngayong Miyerkules ng umaga (Martes ng gabi sa Amerika).

Si Jessica ang pamabato ng San Diego Califoria habang si Phillips ang pambato ng Georgia.

Nakatakdang kumanta ng tigatlong (3) awitin ang dalawa na hindi ini-reveal ngayon ng American Idol hindi gaya ng mga nakalipas na performance night.

Gayunman sinabi naman ang tema ng kanilang mga aawitin na ang isa ay pinili ng producer ng AI na si Simon Fuller, paboritong inawit nila sa buong season at isang original song para sa magiging first single ng tatanghaling “Idol” winner.

Pagkatapos ng performance ay opisyal na bubuksan ang botohan habang ang resulta naman ay bukas, Huwebes ng umaga (Miyerkules ng gabi sa Amerika).

Sino kaya ang mananalo? Si Jessica o si Phillip?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply