Sanggol inabandona, muntik lapain ng mga aso

MUNTIK nang malapa ng mga asong gala ang isang sanggol na inabandona sa Quezon City, kagabi (Mayo 28).

Sa kabutihang palad, narinig ng isang Tammy Gabriel, 16-anyos ang pag-iyak ng tinatayang isa’t kalahating buwan na sanggol na babae na iniwan sa tapat ng kanilang bahay sa E. Rodriguez Avenue, Q.C.dakong alas 7:30 ng gabi.

Ayon kay Gabriel, kung medyo nahuli siya sa pagpalabas ng kanilang bahay, ay baka naunahan siya ng mga asong gala na nakita niyang inaamoy-amoy na ang naturang sanggol at tila gusto nang sagpangin.

“Hindi po natin masabi ang susunod na mangyayari pero kung gutom at walang makain ang mga asong nakita ko ay malamang na may masamang nangyari sa sanggol,” dagdag pa ni Gabriel.

Sinabi naman ni Barry Bandaje, barangay tanod sa lugar na basang-basa ang suot na lampin ng sanggol kaya hinubad niya ang kanyang jacket at ibinalabal sa paslit upang hindi ginawin at magkasakit.

Nasa mga barangay tanod pa ang nasabing sanggol habang hinihintay nila ang pagdating ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sunduin ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply