Sari-sari store na may bentang shabu sinalakay ng PDEA

ARESTADO ang isang negosyante makaraang salakayin ng mga tauhan ng Special Enforcement Service (SES) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanyang sari-sari store nang mapatunayang ginagamit din ang kanyang tindahan para sa kanyang transaksiyon sa iligal na droga sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ni PDEA Director General Usec. Jose S. Gutierrez ang nahuling si Teresita Yambot alias Tess Cawaling may-ari ng tindahan sa Block 13, Lot 85, Santeh GK, Towerville, Sto. Cristo, San Jose del Monte Bulacan na umano’y kabilang din sa target list ng ahensiya.

Nakuha sa tindahan ng inarestong suspek ang isang timbangan, dalawang medium sized at 10 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.

Nauna rito nagsagawa muna ng surveillance operation ang PDEA at matapos makumpirma ang iligal na operasyon ng suspek ay dito na sinalakay ang lugar katulong ang Provincial Anti–Illegal Drugs Special Operations Task Force (PAIDSOTF) sa bisa ng isang search warrant noong May 22, 2012.

Sa surveillance nakumpirmang parang sigarilyo lamang na ibinebenta ng tindahan ang shabu sa kanyang mga customer at mura lamang ang halaga na nasa P100-P200 kung ikaw ay kakilala pero kung taga-labas ay mabibili sa halagang P1,000-P2,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply