Sariling nanay nilamog ng may sayad na anak

LAMOG ang isang ina nang bugbugin ng kanyang may sakit sa pag-iisip na anak sa Cabalangegan, Vigan City sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si Leonard Penol, 35, habang ang kanyang ina ay si Celia.

Lumalabas sa imbestigasyon na basta na lamang nagwala ang suspek at napagbalingang bugbugin ang kanyang nanay na noon ay nakaupo sa labas ng kanilang bahay.

Hinala naman ng pamilya ng suspek na sinumpong na naman ito ng sakit sa pag-iisip na ilang beses na ring ipinasok sa ospital ng mga baliw.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply