Sawa na sa pagtuturo ng Kama-Sutra: Controversial actress hiniwalayan ang BF

BANO raw sa kama ang young actor kaya hiniwalayan ng controversial actress. Walang alam. Pero sana inintindi daw ng huli dahil s’ya naman ang naka-devirginized dito.

Pero sa tagal daw kasi ng pagtuturo ng Kama-Sutra nitong aktres sa BF n’ya ay wala itong natutunan. ‘Yan ay isa lamang daw sa mga dahilan kaya naghiwalay sila.

Ang iba pang reason kung bakit nag-parting of ways ang dalawa ay ang pagiging malapit ng aktor sa kanyang mga magulang to the point na ayaw talaga nitong humiwalay kahit pinipilit na siya ng girlitang ito. Kaya tingin ng aktres sa kanya ay hindi ito makatindig sa sariling mga paa.

***

Juday at Tito Alfie may lifetime contract

MATAGAL na naming alam na wala ng kontrata kay Tito Alfie (Lorenzo) si Judy Ann Santos. Ang tanging nagbibikis na lamang sa kanila ay ang pagmamahal at respeto sa isa’t isa.

Ang ayaw lang ni Tito Alfie ay iyong pamimili ng anak-anakan niya sa project na gagawin nito. Mukhang naka-concentrate raw ito sa pag-eendorso ng mga produkto at iniitsapwera na ang ibang pagkakakitaan. Ang gusto niya ay sundin ni Juday ang kasabihang, “Strike while the iron still ho.t” Hindi naman daw kasi bumabata ang misis ni Ryan Agoncillo kaya dapat samantalahin nito habang may kumukuha pa sa serbisyo niya.

Ayon pa kay Tito Alfie, kahit maliliit na proyekto kapag naipon ay lumalaki rin. Ganunpaman, nirerespeto pa rin ng beteranong kolumnista ang anumang desisyon ng magaling na aktres.

***

PRESS statement ng “Its Showtime.”

“There is no truth to rumors that “It’s Showtime” will be replaced. ABS-CBN is neither replacing “It’s Showtime” with another program nor moving it back to its earlier timeslot.

In fact, “It’s Showtime” last April 30 kicked-off the launch of its new segments starting with the multi-talent showdown among Filipino families following the inter-town grand finals last Saturday, April 28.

The viewing public can look forward to the launch of new entertainment segments in the coming days as ABS-CBN continues on its mission to bring fun and hope to the Filipinos here and in TFC markets worldwide.

–Bong R. Osorio, Head of ABS-CBN Corporate Communications

***

Viva may career plan para kay Paula Bianca

HINAY-HINAY pero sigurado ang career plan na ginagawa ng Viva Artist Agency kay Paula Bianca. Sa ngayon ay  mall tours ang ginagawa ng dalaga para sa promotion ng kanyang self-titled album. Lahat halos ng SM at iba pang malls ay napag-show-han na nito. Nakapag-guest na rin siya sa “Walang Tulugan” ni Kuya Germs, ang Master Showman show sa GMA7 at sa music channel ng ABS-CBN-MYX. After nito, ang next move ng Viva ay ang guesting naman ni Paula sa mga primetime show sa telebisyon.

Anyway, nominated si Ms. Bianca bilang Best New Artist for 2012 sa ABS-CBN’s Tambayan 101.9FM dahil sa success ng kanyang unang album na ang carrier single ay “Napakasakit Naman” composed by Vehnee Saturno under Viva/Vicor Music.

Please vote for her by typing Tambayan33and send to 2331 for Globe and Sun…231 for Smart. You can vote maximum of 5 texts a day until May 13.

Tulungan po natin si Paula. Napakagaling n’yang singer.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply