SB member tinodas sa Agusan del Sur

DEAD-ON-THE SPOT ang isang miyembro ng sangguniang bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur matapos paulanan ng bala ng baril ng tatlong armadong lalaki habang nakikisaya sa kapistahan sa Brgy. Tapaz.

Kinilala ang biktimang si Gregorio Plaza Sr.

Sa imbestigasyon, pasado alas-5:00 ng hapon nang barilin ang biktima ng mga suspek na agad ding tumakas matapos masigurong patay na ang biktima.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply