SBMA desperado sa pondo

LINGID sa kaalaman ng marami, bangkarote ang Subic Bay Metro-politan Authority na nangangasiwa sa Subic Freeport, sa dami ng utang meron sa World Bank, Taiwan-ICDF, Japan International Cooperation Agency (JICA) at iba pa. Bunga ito ng palpak na pamamahala, korapsyon, pulitika at iba pang katarantaduhan sa nakalipas na dalawampung (20) taon.

Ito Ang Totoo: ayon sa Audited Financial Statements ng SBMA, sa nakalipas na apat na taon lamang, lugi ang SBMA ng P5.297 B, mahigit isang bilyon kada taon kung tu-tuusin.

Kaya sa pagkadesperado sa pondo, kung ano-anong paraan ang iniisip at sinusubukan ng pamunuan para makalikom ng pera.

Isa na rito ang pagpapataw sa mga investor at residente ng Common Use Service Area Fee na planong ipatupad ng SBMA simula a-uno ng Hulyo ngayong taon.

Tinatayang mahigit P350M kada taon ang karagdagang kikitain ng SBMA sa bagong patakaran kung saan parang Mall o Condo na may karagdagang binabayaran ang mga tenant bukod sa aktuwal na inoo-kupahan.

Pumapalag naman ang mga investor dahil tingin nila, hindi makatarungan na singilin pa sila ng CUSA dahil ang mga nakapaloob ditong security services, street cleaning, street lights at iba pa ay kasama na bilang responsibilidad ng nagpapaupa.

Ayon pa sa kanila, may dati nang sinisingil ang SBMA na $1 kada bag ng basura tapos idadagdag pa ang CUSA, aba’y sobra na.

Ito Ang Totoo: kailangan talaga ng SBMA ng pera pero sablay ang pagpapataw ng CUSA.

Kahit magbayad ng CUSA ang mga Freeport investor at resident, hindi naman magbabago ang serbisyo o kakulangan nito dahil ma-pupunta lang ang koleksiyon sa pambayad ng utang.

Eh kung ayusin kaya muna ng SBkuno, kasama na ang mga choice lots at establishments na inookupapahan ni dating Tourism Secretary Mina Gabor.

Ibasura na rin ang mga libre sa upa na pawang 3% share lang ng kita ng establisimiyento ang ibibigay sa SBMA tulad ng hotel & restaurant ng pamilya ni dating SBMA Director Jimmy Lorenzana na itinayo sa lugar ng makasaysayan subalit sinirang Admiral’s Guest House.

Maraming dapat ituwid sa SBMA at Subic Freeport.

Kaya ba ng kasalukuyang Board o wala rin pala ito?

Tulad ng taumbayan, ito’y ating sinusubaybayan. Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply