SBMA LED, binastos ni Tambungan (2)

BILANG pagpapatuloy ng topic natin kamakalawa kaugnay ng pambabastos ni Olongapo PNP City Director SSupt. Christopher Tambungan sa Law Enforcement Department (LED) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na pinamumunuan ni CSupt. Orlando Maddela (PNP retired), sariwain muna natin ang ilang bagay.

Ito Ang Totoo: ipinahuli at ipinadetine ni Tambungan ng 15 oras (sa opisyal na tala pero sa aktuwal, 18 oras) ang kagawad ng SBMA LED na si Security Escort Anthony F. Cappal ng um-attend ito ng Peace & Order Council Meeting sa City Hall sa imbitasyon ni Mayor James Gordon, Jr.

Illegal possession of firearms ang paratang kay Cappal na isinama bilang security detail ni LED Operations Head Vicente Tolentino na kaya may security, kamakailan lang ay pinagtangkaang patayin ng mga armadong lalaki sa loob mismo ng kanyang bahay sa Dinalupihan, Bataan.

Binalewala ni Tambungan ang mga kaukulang papeles sa S&W 9mm pistol issued firearm ni Cappal na ipinadala ni Maddela at lumampas ang detensiyon nito sa pinapayagan ng batas na12 oras na pagka-detine nang walang kaso.

Kahit namagitan na ang iginagalang ng marami na matandang Secretary to the Mayor na si Mr. Delfin Juico ay binalewala rin ni Tambungan.

Wala namang maisampang kaso si Tambungan kaya pinakawalan rin si Cappal pero lampas na nga sa takdang limitasyon ng panahon.

Short cut na at Ito Ang Totoo: malaki ang ulo ni Tambungan dahil kinukunsinte siya ni Mayor Gordon.

Magugunitang makailang ulit hindi pumili si Gordon sa mga pangalan ng mga PNP officer na ipinadala ng Campo Crame at Campo Olivas hangga’t hindi naisama ang pangalan ni Tambugan dahil nga gagamitin daw ito sa eleksiyon.

Kung bibigyang halaga ni Gordon ang kapakanan ng mamamayang Olongapo, sisibakin nito si Tambungan, pero kung hindi, talagang puro eleksiyon at boto na lang ang nasa isip nito.

Dapat na rin kasing kumilos itong si Gen. Maddela na noong siya ang PNP City Director ng Olongapo PNP, tatlong taong naging Best Police Office of the Year ito ng rehiyon, noong 2002, 2003 at 2004.

Naging Best City Police Office rin ang Olongapo sa national level, sa buong Pilipinas, sa ilalim ni Maddela noong 2004.

Sa laganap na krimen at patayan ngayon sa Olongapo, na noong nakaraang linggo ay pulis mismo ni Tambungan ang tinambangan at napatay, mahihirapan si Tambungan na pantayan man lamang ang mga accomplishment ni Maddela noon.

Ano naman kaya ang aksiyon ng SBMA Board? Pwede bang gano’n-gano’n na lang? Ang pambabastos sa SBMA LED, kay Maddela, ay pambabastos rin sa pamunuan ng SBMA, sa Board at kay Chairman & Administrator Roberto V. Garcia.

Ito Ang Totoo: kung walang malinaw na aksiyon at resulta sa usaping ito, malamang ang mga susunod na mangyayari ay magiging mas malala o kaya’y madugo pa.

Kung bibigyang halaga ni Gordon ang kapakanan ng mamamayang Olongapo, sisibakin nito si Tambungan, pero kung hindi, talagang puro eleksiyon at boto na lang ang nasa isip nito.

Dapat na rin kasing kumilos itong si Gen. Maddela na noong siya ang PNP City Director ng Olongapo PNP, tatlong taong naging Best Police Office of the Year ito ng rehiyon, noong 2002, 2003 at 2004.

Naging Best City Police Office rin ang Olongapo sa national level, sa buong Pilipinas, sa ilalim ni Maddela noong 2004.

Sa laganap na krimen at patayan ngayon sa Olongapo, na noong nakaraang linggo ay pulis mismo ni Tambungan ang tinambangan at napatay, mahihirapan si Tambungan na pantayan man lamang ang mga accomplishment ni Maddela noon.

Ano naman kaya ang aksiyon ng SBMA Board? Pwede bang gano’n-gano’n na lang? Ang pambabastos sa SBMA LED, kay Maddela, ay pambabastos rin sa pamunuan ng SBMA, sa Board at kay Chairman & Administrator Roberto V. Garcia.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply