SC justices aprub na isapubliko ang kanilang SALN

NAGDESISYON ang Korte Suprema na ilantad sa publiko ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth.

Sa ginanap na special en banc session, inaprubahan ng mga mahistrado na ilabas ang kanilang 2011 SALN kabilang ang sa mga hukom sa buong bansa. Sa darating na June 13 tatalakayin sa special session ang magiging guidelines sa pagpapalabas ng SALN.

Samantala, sa regular session ng SC malalaman pa kung makakakuha ng retirement benefits ang napatalsik na si Chief Justice Renato Corona.

Midas touch wala na

Umalis na bilang tagapagsalita ng SC si Justice Midas Marquez at sa halip itinalaga ni Acting Chief Justice Antonio Carpio si Deputy Spokesman Gleo Guerra bilang Acting spokesman.

Ipinaliwanag ni Guerra na ang trabaho ng spokesman ay co-terminus sa Chief Justice. Mananatili naman bilang Court Administrator si Marquez.

Carpio acting CJ

Samantala, nagsisilbing Acting Chief Justice ng Korte Suprema si Senior Associate Justice Antonio Carpio matapos mapatalsik sa pwesto si Chief Justice Renato Corona.

Nakasaad  sa rule 2, Section 2 of Administrative Matter No. 10-4-20-SC o  Internal Rules of the Supreme Court na sa kawalan ng Punong Mahistrado, ang pinaka-senior na mahistrado ang uupo sa lahat ng sesyon ng korte.

Si Carpio ay naitalaga bilang Associate Justice ng Supreme Court nuong October 26, 2001, ang unang itinalaga sa SC ni dating  President, at ngayo’y  Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Corona naman ang ikalawang itinalaga ni Arroyo sa Mataas na Hukuman nuong  April 9, 2002.

Si Carpio ang itinuturing na pinakamalapit na karibal ni Corona nuong 2010 sa posisyon na Chief Justice. Umatras si Carpio sa pagiging kandidato bilang chief justice at sinabing tatangapin lamang niya ang nominasyon kung ang maghahalal ay ang susunod na Presidente.

Pormal nang natangap ng SC ang notice of judgement ng Senado na umupo bilang impeachment court.

Tinangap ng SC Clerk of Court kahapon ng 9:00 ng umaga ang notice of judgement.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply