SC, Mababang Hukuman walang court holiday ngayong araw

TINIYAK ni Supreme Court Administrator at Spokesperson Midas Marquez na walang magaganap na court holiday ngayong araw sa Korte Suprema at mga Mababang Hukuman.

Ayon naman  kay Manila RTC Judges Association Spokesman Judge Silvino Pampilo Jr. na may skeletal force na magtatrabaho sa Manila RTC para tuloy-tuloy ang transaksyon sa korte.

Gayunman, ang iba naman aniyang mga empleyado  ay naghain ng leave at ang iba naman ay magha-half day para makasama sa motorcade na maghahatid kay Chief Justice Renato Corona patungo sa senado.

Ang mga bista naman o mga pagdinig sa korte ay tuloy pa rin, aniya, at pagkatapos nito ay saka pa lamang sila tutungo sa Korte Suprema kasabay ang iba pang hukom para magbigay suporta kay Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply