SC walang special en banc session sa Martes

WALANG ipinatawag na special en banc session  ang Korte Suprema sa darating na Martes.

Ito ang nilinaw  ngayon ni Supreme Court Spokesman Atty.Midas Marquez  para sa nasabing araw kung kailan inaasahan na igagawad ng Senate Impeachment Court  ang hatol kay Chief Justice Renato Corona.

Ginawa ni Marquez ang paglilinaw  dahil na rin sa mga balitang naglalabasan na magdaraos  umano ng special en banc session ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa Martes.

Ayon kay  Marquez,  naka recess ang  SC en banc  ngayon at sa Hunyo  pa babalik.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply