Security officer ni Ate Vi todas sa ambus, 1 grabe

PATAY sa ambus ang isang security officer ni Batangas Governor Vilma Santos habang sugatan naman ang isa pang kasamahan nito  nang ratratin sila ng hindi nakikilalang mga armadong kalalakihan sa   Lipa City bago maghatinggabi nitong nakaraang Huwebes (Mayo 17), ayon sa ulat ng pulisya.

Dead on the spot ang biktimang si Mazario Matias, 31-anyos sanhi ng timanong tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagtamo naman ng isang tama ng bala sa kanang balakang ang isa pang biktima na si Orlando Quizon, 49-anyos. Sina Matias at Quizon ay kapwa security officers ng city-run Kolehiyo ng Lunsod ng Lipa at kapwa miyembro rin ng City Public Order and Safety Council ng lunsod.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 11:16  nitong Huwebes ng gabi sa national road ng Barangay Maraouy, Lipa City.

Ayon kay P/Supt. Christopher Birung, Hepe ng Lipa City police, sakay sa kanilang motorsiklo sina Quizon at Matias at patungo sila sa Lipa City town proper nang tambangan.

Pagsapit sa naturang lugar, biglang may bumuntot kina Quizon at Martias na isa ring motosiklo na may lulan na dalawang kalalakihan at saka sila pinagbabaril bago tumakas sa hindi malamang direksyon .

Nakarekober ang pulisya ng pitong .45-caliber shells mula sa pinangyarihang lugar habang blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaril sa dalawang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply