Seguridad sa Korte Suprema ipatutupad

DAHIL sa pagdalo ni Chief Justice Renato Corona sa Senado, iniutos ng pamunuan ng Manila Poilice District ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa paligid ng Korte Suprema sa Padre Faura sa Ermita, Manila.

Ayon kay MPD Director, Chief Superintendent Alex Gutierrez, ang paghihigpit ng seguridad sa SC ay bilang pagsunod na rin sa direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Chief, General Alan Purisima.

Nabatid sa MPD na inaabangan umano ng buong bansa ang makasaysayang sandali na pagsalang sa witness stand ni Corona. Kaya bukod sa paligid ng Senado na inaasahang daragsain bukas ng mga taga-suporta at kontra kay Corona,  dapat din, aniya, mabantayan ang palibot ng Kataas-taasang hukuman para matiyak na walang makapagsasamantala na maaring maghasik ng kaguluhan.

Samantala, isang interfaith prayer at send-off ceremony ang isasagawa ng libu-libong mga empleyado ng iba’t-ibang hukuman sa bansa para kay Corona sa quadrangle ng Korte Suprema, at pinaplano rin ang pagsasagawa ng motorcade para ihatid ang punong mahistrado patungo ng Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply