Seguridad sa Lady Gaga concert sa Pasay tiniyak

TINIYAK ngayon ng pamunuan ng Pasay City Police na nakakasa na ang seguridad na inihanda para sa inaabangang 2-day concert ng kontrobersiyal na si Lady Gaga, na magsisimula mamayang gabi.

Ayon kay Pasay City police chief S/Supt. Melchor Reyes, nagtalaga na sila ng mga anti-riot police para masiguro na maging maayos ang pinananabikan concert ni Lady Gaga.

Aminado pa ang opisyal na hindi malayong may mga grupong magtatangkang guluhin ang konsiyerto.

Pinaalalahanan naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang mga motorista na iwasan kung maari ang mga pangunahing kalsada na malapit sa venue para
hindi na maabala sa traffic.

Una ng bumuo ng monitoring team ang Pasay City government na siyang tututok sa gagawing concert.

Sa harap ng pagharang ng ilang grupo, sinabi ni Pasay City Mayor Antonio Calixto na mahigpit ang kanilang babala sa organizer ng event na bawal ang anumang kabastusan, kabilang na ang paghuhubad sa stage
ng mga artists.

Ayon sa alkalde, magtatalaga rin sila ng inspection team sa mismong concert ground para matiyak na masusunod ang batas.

Una rito, nakisama na rin ang ilang obispo ng Simbahang Katoliko sa protesta laban sa performance ng international pop singer.

Kaugnay nito walang balak ang Malakaniyang na harangin ang concert ni international singer Lady Gaga mamayang gabi at bukas, Mayo 22.

Sa gitna ito ng mga pagkontra ng iba’t ibang grupo sa nasabing concert ng Pop Diva sa SM Mall of Asia concert grounds.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na wala sa posisyon ang Malakaniyang para harangin ang nasabing concert.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply