Seguridad sa paligid ng Korte Suprema, Senado pinaigting

LALONG hinigpitan ng Manila Police District (MPD) at Southern Police District (SPD) ang seguridad sa paligid ng Korte Suprema at Senado.

Ang paghihigpit ay kasunod nang inaasahang mga pagkilos pabor man o hindi kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na hahatulan na bukas ng impeachment court.

Ayon kay MPD Director Chief Supt. Alex Gutierrez, nagdagdag na siya ng mga pulis sa paligid ng Korte Suprema partikular sa Padre Faura St.

Kasabay nito, ikinasa na rin ng ng Southern Police District ang seguridad sa buong kapaligiran ng Senado, para sa gagawing oral argument ni  Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay SPDO Director Chief Supt. Benito Estipona, mananatili ang augmentation sa kapaligiran ng Senado dahil hindi nila isinasantabi ang paglusob ng iba,t isang grupo na magsasagawa ng kilos protesta sa gusali ng Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply