Sekyu na nagnakaw sa binabantayang mall tiklo

KINASUHAN ng robbery ang isang security guard matapos pagnakawan ang binabantayang mall sa Cagayan de Oro City.

Nabatid na ninakawan ng pera ni Lawrence Angelo Dy ang binabantayang 258 Mall sa Cogon market, nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, nagawang makuha ng suspek ang P13, 000 pera ng tindahan nang magtago ito sa loob ng tindahan habang isinara na ito..

Inamin naman ng suspek ang akusasyon at sinabing nagawa lamang niya ang pagnanakaw dahil sa matinding pangangailangan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply