Sekyu niratrat ng M-16 ang kapwa sekyu

BANGAYAN sa trabaho ang itinuturong dahilan sa naganap na barilan ng tatlong security guard na nakadestino sa  National Power Corporation (Napocor) na pawang mga nasawi sa Camp 1, Maramag, Bukidnon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Esteban Mabuti, Jose Mag-abo at Aniano Elicot Jr.  na pawang nagmula sa Double Top Security and Detective Agency sa nasabing lalawigan.

Nabatid na nagkainitan sina Mag-abo at Elicot dahil umano sa pagkawala ng kanilang isang service firearm sa lugar.

Hindi napigilan ni Elicot ang sarili at kinuha nito ang M-16 armalite rifle at saka niratrat si Mag-abo kasama si Mabuti dahilan upang agad nilang ikamatay.

Matapos ang pamamaril, nagbaril  din sa kanyang sarili si Elicot gamit ang isang shotgun kung saan naisugod pa ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Nakatakda namang ipatawag  ang lahat ng mga security agency sa lalawigan upang isailalim sa seminar workshop ang mga guwardiya hinggil sa kanilang mga trabaho.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply