Sekyu niratrat sa Kyusi, tepok

TEPOK ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa tapat mismo ng isang videoke bar sa Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Jayson Dalumdum, 30 na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na katatapos lamang makipag-inuman ni Dalumdum sa videoke bar nang lapitan ng suspek at pagbabarilin habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa kaliwang tenga ang isang lalaki na umiinom din sa naturang bar.

Iniimbestigahan na ang motibo sa naturang pagpatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply