Sen. Drilon nadismaya sa pagkatalo ni Jessica

LANTARAN ang pagpapahayag ng pagkadismaya ng isang senador sa resulta ng botohan ng American Idol Season 11 na kung saan nagwagi ang purong Amerikanong si Phillip Phillips kontra sa Filipino-American-Mexican na si Jessica Sanchez.

“I’m disappointed!” wika ni Sen. Franklin Drilon.

Nagbiro tuloy ang ibang reporter sa lingguhang Kapihan sa Senado kung paiimbestigahan niya sa kapulungan ang resulta ng botohan sa American Idol.

“’Wag kayong magbiro,” sambit ni Drilon.

Ganunpaman, naniniwala ang senador na malayo ang mararating ni Sanchez kahit na hindi nito nakuha ang korona bilang bagong American Idol.

“Sayang! Sana po nanalo, mahal siya ng buong bansa. Ganunpaman, sa palagay ko the future will be good to her given her talent and how I wished she won,”ani Drilon.

Sinabi naman ni Sen. Gregorio Honasan na kahit naging malungkot ang sambayanang Filipino sa pagkatalo ni Jessica, dapat maging masaya tayo dahil hindi naman makakabawas sa kagalingan ng 16-year old singer ang pagkatalo niya sa American Idol.

Sinabi pa ni Honasan na dapat tanggapin ng bukal sa kalooban ang resulta ng kompetisyon dahil hindi naman ito nakakabawas sa ningning at kinang na naabot na tagumpay ni Jessica.

“Very proud tayo at masaya para sa kanya, sa pamilya n’ya, at sa Sambayanang Pilipino,” ani Honasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply