Senator-judge nagpa-cute at papansin sa staff ng kapwa solon

NAKATUTUWA naman ang ginagawang eksena na tulad sa isang pelikula ng isa sa mga senator-judge dahil gagawin nito ang lahat mapansin lang sabay pa-cute sa isang dalagang staff ng kanyang kapwa mambabatas.

Batay sa nasaksihan ni matang kuwago ng Remate, tumayo ang naturang mambabatas sa podium upang magsalita ng katulad ng panawagan ng iba na iharap si Corona sa paglilitis.

Subalit tila nakalimutan yata ng mambabatas na ito na mayroong proseso at istratehiyang sinusundan ang mga abogado o legal team ni Chief Justice Renato Corona.

Kaya sa huli, hindi rin nasunod ang kanyang gusto subalit sa likod pala ng eksenang ito ng mambabatas ay may iba itong motibo at iyon ay para mapansin siya ng isa sa mga magandang babae na staff ng kapwa mambabatas.

Sa pagsasaliksik ni matang kuwago, mayroon palang pagnanasa este pagtingin at paghanga ang mambabatas sa naturang magandang dilag kaya ganoon na lang kung magpapansin.

Bagamat kilalang mayaman at maganda rin naman ang asawa o may bahay ni senator-judge, malayong-malayo ang naturang staff sa kaseksihan at kagandahan, lalo na’t bata pa ito at de kalibre rin.

At alam ninyo ba na matapos makatunog ang mambabatas na napansin siya ng dalaga at umeepekto ang kanyang gimik, agad nitong nilinaw ang lahat at naupo na rin sa kanyang upuan.

Subalit sa pag-upo ng mambabatas sa kanyang upuan, patuloy pa rin ang kanyang malalagkit na tingin sa naturang staff ng kanyang kapwa mambabatas.

Gusto ninyo bang makilala ang senator-judge na tinutukoy ni matang kuwago?

Kilalang-kilala siya dahil bukod sa mahalaga ang boto niya, may letrang I sa kabuuan ng kanyang pangalan. Kung artista o hindi bahala na kayong mag-isip.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply