Senator-judge nagpapansin sa media pero dinedma lang

KUNG matakaw talaga sa pagkain ang senator-judge na ito, ganoon din ito katakaw sa media mileage patunay ang kanyang ginawang pagpapansin pagkatapos ng impeachment trial.

Batay sa sumbong kay matang kuwago ng Remate  habang ini-interview ng media si Senate Majority Leader-Judge Vicente “Tito” Sotto III, biglang nagsalita at nag-react ang senator-judge na ito.

Akala siguro ni sir, papansinin siya at kakagatin ng media sa pamamaraan ng kanyang pagpapansin subalit nabigo siya.

Dahil sa kabila ng kanyang pagpapansin, tuloy-tuloy pa rin ang pagtatanong ng media kay Sotto habang ang papansin na senador ay huminto pa at bahagyang dumungaw sa likod ni Sotto para makuhanan ng TV camera.

Ang malungkot, sa kabila ng pag-react ng naturang mambabatas, wala ni isa mang miyembro ng media na nagkalat sa hallway ang humarang sa kanya para mainterview at pumansin sa kanya at hindi man siya nai-live ng mga TV at radio station.

Hindi ba talagang kakaiba ang ugali ng mambabatas na ito kumpara sa ugali ng ibang senador na kahit  pilitin, pakiusapan at hatakin para sa interview, pilit na tumatanggi.

Alam ninyo rin ba na nag-cause pa nga ng saglit na ipon ng tao o kumbaga sa kalye trapik ang naturang papansin na mambabatas.

Sige na nga pintahan na natin nang inyong malaman kung sino siya.

Siya ang ama ng karneng hindi kinakain ng mga kapatid nating Muslim.

Higit sa lahat may letrang L sa kabuuan ng kanyang pangalan as in lechon baboy na masarap papakin sa mga handaan subalit kinatatakutan ng mga high blood dahil posible nila itong ikamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply