Senator-judges pinaalalahanan sa kaso ni CJ

NAGPAALALA ngayon si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na ang impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona ay hindi lamang ukol sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) kundi sa pagpabor ng punong mahistrado sa dating administrasyon.

Giit pa ni Casiño na hindi lamang sa kawalan ng deklarasyon sa SALN ang dapat na panagutan ni Corona kungdi maging ang pagpabor diumano nito kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“The senator-judges should remember that aside from Article 2, there are also Articles 7 and 3. It is imperative that the senator-judges not only concentrate on the supposed undisclosed wealth of Corona but on the political aspect of how he used his position as the chief justice to protect Gloria Macapagal-Arroyo that almost led to her fleeing the country and escaping accountability,” ayon kay Casino.

Sa Martes ay nakatakda nang humatol ang senator-judges sa impeachment na inihain ng Kamara laban kay Corona.

“We must remember that the Corona-orchestrated irregularities in the issuance of the temporary restraining order (TRO) against the DOJ Watchlist is one of the strongest cases against him,” ani Casino.

Sa panig naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ay nagpahayag siya ng pagdududa sa unconditional waiver na isinumite ni Corona sa impeachment court.

Giit ni Colmenares na kaduda-duda aniya ang sinseridad ng unconditional waiver sa bank accounts partikular sa dollar account ni Corona.

Paliwanag ni Colmenares na kung seryoso aniya ang depensa ay dapat noon pa nila hiniling na ipasubpina ang mga bank amanagers at hindi ipinaubaya lamang sa impeachment court na magdesisyon para dito.

Naniniwala si Colmenares na alam ni Corona na hindi naman talaga magagawang ipatawag ng impeachment court ang testigo kung wala namang subpoena mula sa depensa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply