Senglot naghamon ng sisiran todas sa lunod

TODAS ang isang lasing na lalaki nang hindi na nakaahon sa tubig matapos hamunin ang mga katagay ng patagalan sa pagsisid sa isang ilog sa Lingayen, Pangasinan.

Nabatid na habang nasa impluwensiya ng alak ay naghamon si Esmael Landicho, 37, ng Brgy. Aliwekwek, Lingayen ng patagalan sa pagsisid na pinagbigyan naman ng kanyang mga kainuman sa Agno River.

Ngunit nakaahon na ang kanyang mga kalaban ay hindi pa rin lumutang ang biktima.

Makaraan ang ilang oras na paghahanap ay nakita ang wala nang buhay na biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply