Sexy star malamang mapugutan ng ulo sa pakikipagrelasyon sa mayamang politiko

HINDI pa rin pala tapos sa kanyang pakikipag-relasyon  sa isang character actor ang isang sexy star na napababalitang may relasyon at isang anak sa isang mayaman at maimpluwensyang politiko sa Mindanao.

Sa isang Isla, namataan itong si sexy star at isang character-actor na magkasamang nagtatampisaw sa  malamig na tubig at maputing buhangin at dahil dito may nagsumbong sa mayamang politiko, dahilan para makatanggap ng ta- wag ang sexy star mula sa nakarelasyon at tatay ng kanyang anak na mag-ingat ito sa islang kinaroroonan nito.

Sobrang takot na takot daw si sexy star noong unang makatanggap siya nang tawag buhat sa maimpluwensya at mayamang politician. Super tanggi pa raw noong una si sexy star ke mayamang politico nang sitahin ito kung sino ang kanyang kasama sa nasambit na isla.

Pero nang banggitin ng nasabing Politiko ang isang hotel na tinutuluyan ni sexy star at kasama nitong character actor ay hindi na nakatanggi at nakapagkaila ang hubadera.

Napansin siguro ni sexy star na parang nai-Ynez na ang karelasyon niyang politico kaya biglang napaamin na siya’y nasa isang isla nga.

Ang concern lamang ni mayamang politico ay baka naibenta na ni sexy star ang bahay na kanyang bigay rito. Napadadalas raw kasi ang paghingi sa ngayon ng datung ni sexy star bukod pa sa buwanang sustento na ipinadadala nito para sa kanilang anak.

Bukod sa lingguhang sustento na ibinibigay ni mayamang politico para sa kanilang anak ni sexy star, madalas rin daw na magtagpo ang dalawa sa probinsya kung saan may mataas na katungkulan itong si lalaki.

At kapag patuloy pa rin daw itong si sexy star sa pakikipag-relasyon sa isang character actor, baka raw maputulan ng ulo itong hubadera lalo’t nagbiro na minsan sa kanya ang nasabing politico na huwag lang itong pahuhuli sa kanya. O, di ba nakai-Ynez talaga?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply