Shabu lab sa Malabon sinalakay, 33 kilo ng shabu nakumpiska

MAHIGIT sa 33 kilo ng shabu ang nasamsam ng pulisya makaraang salakayin ang isang shabu lab sa Malabon kanina lamang.

Nabatid na pinasok ng PDEA-Malabon operatives ang bodega na pag-aari ng isang Vincent Go sa 79 Araneta Tuazon, Potrero, nabanggit na lungsod at nakuha ang naturang illegal drugs.

Wala namang nahuling suspek sa raid na ngayon ay tinutugis na ng awtoridad sa pagsasagawa ng follow-up operation.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply