Shaina inaming hinawalay na sila ni John Lloyd

KUNG ‘yung unang break-up nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao ay itinago ng dalawa, ngayon ay mabilis pa sa alas kuwatrong ikinumpisal ng dalaga sa publiko ang paghihiwalay nila sa pangalawang pagkakataon.

“To end all speculations, I confirm that John Lloyd and I have agreed to end our relationship,” walang kagatol-gatol na sinabi ng young actress na tila walang halong pagsisisi.

Kung ano man ang naging dahilan sa parting-of-ways ng magkasintahan, hindi na sinabi pa ng magandang aktres. They parted ways a few weeks ago bago lumabas ang tsismis na nag-churvahan daw sa Taiwan sina John Lloyd at Angelica Panganiban habang nagsu-shoot ng kanilang pelikula.

Anyway, ilan umano sa mga rason kung bakit lumakas ang loob ni Shaina na tapusin na ang pakikipagrelasyon nito sa boyfriend na aktor ay ang mga sumusunod: Hindi raw marunong makisama sa pamilya Magdayao si Papa John, babaero, lasenggo at kung anik-anik pa.

“I most humbly request everyone to allow us to move on with our respective lives with mutual respect and dignity,” tanging pakiusap lang ni Shaina sa lahat.

‘Yun na!

***

Angelica bumawi kay Derek!

PARA patunayang walang nangyaring churvanes (Hehehe!) sa kanila ni John Lloyd, buwawi raw si Angelica Panganiban kay Derek Ramsay. Pumunta ito sa condo unit ng balbonic actor at nagbabad daw doon nang matagal.

Kung ano man ang ginawa nila, hulaan n’yo na lang. Hahaha!

Dahil dito, nakumpirmang hindi naman talaga hiwalay ang magsyotang ito. Gawa-gawa lamang ang sinasabing nagselos ang Kapatid actor kay Lloydie dahil tsinuktsak nito ang girlfriend n’ya kaya nauwi sa hiwalayan blues ang lahat.

***

Hindi patatawarin ni Ara si Cristine hangga’t di nagsisisi sa kanyang ginawa

MULI palang sumiklab ang galit ni Ara Mina nang malaman niyang pumunta sa kanilang ina si Cristine Reyes at kung anu-anong paninira ang sinabi nito tungkol sa kanya. Halos mag-hysterical daw ang huli habang nagsusumbong sa kanilang nanay. Sumisigaw pa raw ito na animo’y si Linda Blair sa pelikulang Exorcist. Nangyari ito pagkatapos na mag-text sa kanya ang malditang kapatid ng sorry. Kaya paano raw niya patatawarin ito kung hindi naman nagsisisi sa kanyang ginawa?

“Paano mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay may nagawang pagkakamali?” Pahayag ni Menang na may halong pagtatanong.

Mahal ko ang kapatid kong si Cristine pero kahit mabigat sa loob ko, kailangang gawin ko ito para proteksyunan naman ang sarili ko sa mga mapanira at mapanghamak na text n’ya,” ayon pa kay Ara.

Pero at least natutuwa naman daw siya ngayon dahil tumigil na ang ex ni Rayver Cruz sa paninira nito sa kanya sa pamamagitan ng pagti-text sa kanya ng masasamang salita at sa ibang tao.

“Naawa po ng Diyos, tumigil na ang paninira niya sa akin sa text. Subalit walang pagsisisi on her part at sa kanyang ginawa,” sabi pa ng dating sexy star.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply