Shalani baon sa utang na loob kay Willie

AKTIBO ulit sa telebisyon si Konsehala Shalani Soledad-Romulo pagkatapos mag-asawa at mawala sa Wil Time Big Time para sa TV show nilang Game ‘N  Go.

Magsisimula ito sa June 17, Linggo, 12:30 ng hapon, sa TV5 kung saan ay kasama niya sina Joey De Leon, Edu Manzano at Gelli De Belen.

Tinanong siya kung paano na ang honeymoon stage nila ng kanyang mister?

“Ang Game ‘N Go will have more games. So, it will be game, after game, after game,” tugon niya.

Tinanong kung ano ang  pagkakaiba ni Joey de Leon kay Willie Revillame na nakasama niya sa show. Wala raw intro  song number si Joey at back-up dancer kaya nagtawanan ang lahat.

Hindi ba sumama ang loob niya sa  Wil Time Bigtime ni Willie Revilame dahil hindi na siya nakabalik sa show pagkatapos siyang ikasal?

Tumawa muna si Shalani: “Of course, there are some things that happened na hindi mo naman din inaasahan, na hindi mo rin naman gusto. But then, you also have to move on. Kasi, that’s how life goes.“ So, you just try to accept changes in our lives and we always look forward and always hope for the best,” tugon niya.

Hindi pa rin daw sila nagkikita ni Willie mula nang mag-asawa siya.

Hindi direkta ang kasagutan niya kung may dapat ba silang ayusin ni Willie Revillame.

“Wala naman akong ibang masasabi sa Wil Time Bigtime.

They have been my family also. So, I have nothing, but grateful ako sa kanila.

“Dahil kung hindi rin naman sa Wil Time Bigtime ay hindi rin naman ako mapupunta sa TV5 at hindi rin ako mapupunta sa television,” sey pa niya.

Hindi ba naapektohan ang honeymoon stage nila ngayong may bago na siyang show agad?

Sagot niya, isang araw lang naman daw ang show kaya may 6 days pa raw silang honeymoon.

Bakit naging weekly na lang ang show samantalang daily noontime show ang unang plano dito?

“Sabi nga nina Sir Perci [Intalan, TV5 Creative and Entertainment head], mas pinaghandaan pa itong show.

So, daily man o once a week, it is still an honor for us to be doing this show.

“Kasi masaya siya, kaya sana ay maramdaman din iyon ng ating viewers. Sana ay makita rin nila kung gaano ito pinaghirapan. I think alam nyo naman po na nakailang revisions ito pagdating sa mga games, nakailang revisions ito pagdating sa mga gagamiting materials, sa sets, nakailang revisions even sa mga hosts. So, sana ay makita nila at ma-appreciate kung gaano naman ito pinaghirapan ng TV5,” aniya pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply