Sharon Stone kinasuhan ng pang-aalipusta ng ex-nanny na Pinay

LOS ANGELES – Kinasuhan ng isang Filipina na dating kasambahay ni Sharon Stone ang Hollywood actress dahil sa pagsibak at panghaharas sa kanya, kabilang na ang pagsasabi ng masasamang patutsada o deregatory remarks hinggil sa kanyang ethnicity at religion.

Sa isang lawsuit na isinampa nitong nakaraang (Miyerkules, Mayo23) sa Los Angeles court, inihayag ni Erlinda Elemen na inalipusta ni Stone ang kanyang pagkatao dahil sa pagiging Pinoy at pagiging tanga at inutusan pa siya nito na huwag magsasalita sa harap ng kanyang mga anak upang hindi makatulad niya ng pananalita.

Ipinatigil din ng “Basic Instinct” star si Elemen na sinibak nitong nakaraang taon, sa pagbasa ng Bibliya sa bahay nito, kahit nakatira ito sa kanya para alagaan ang tatlong anak nito at madalas na kasama siya sa pagbiyahe sa iba’t ibang lugar.

Nabatid pa na mula Agosto 2010, si Elemen ay nakalasap ng masasakit na komento at pangungutya kay Stone hinggil sa kanyang pagiging Pinoy.

Tinuligsa rin ni Stone sa pagiging relihiyoso ni Elemen at binatikos ang kanyang pagdadalo sa misa sa simbahan.

Si Elemen, na kinuha noong Oktubre 2006 at ginawang head live-in nanny at matapos ang dalawang taon ay sinibak nang malaman ni Stone na binabayaran ito ng kanyang overtime kapag kasamang bumibiyahe kasama ang mga anak nito sa ‘holiday days’.

Sinabihan pa ni Stone si Elemen na wala itong karapatang bayaran ang kanyang overtime at inakusahan ng pagnanakaw dahil binabayaran niya ito ng overtime at sinabi sa kanya na ito ay ‘illegal’ na tanggapin ang bayad at hinihingi sa kanya ang pera.

Hinihingi rin ng lawsuit ang hindi malamang halaga ng unpaid wages, damages at penalties, at humihingi rin si Elemen ng “trial by jury.”

Hindi naman nagbibigay pa ng kanyang komento ang publicist ni Stone para sa naturang kaso.

Nitong nakaraang taon lamang, inatasan ang naturang aktres na magbayad ng $232,000 bilang kabayaran sa isang trabahador na nabali ang tuhod matapos na madulas at mahulog sa kanyang back yard noong 2006.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply