Shell, Petron nagpatupad ng rolbak

NAGPATUPAD na rin ng tapyas presyo ng kanilang produkto ang dalawang higanteng kompanyang Pilipinas Shell at Petron Corporation makaraang unang mag-anunsiyo ng pagbabawas sa presyo ng kanilang produkto ang Unioil noong Linggo.

Epektibo ngayong ala-1 ng madaling araw, nagbawas ang Shell ng P0.60 kada litro ng kanilang premium at unleaded habang P0.65 kada litro naman ang itinapyas ng Petron. Magkaparehas naman sa halagang P0.30 sentimos kada litro ang ibinawas nila sa presyo ng diesel at P0.40 sentimos sa kada litro ng kerosene.

Maging ang independent player na Eastern Petroleum ay nagpatupad na rin ng pagtatapyas ng presyo ng kanilang produkto na epektibo alas-12:01 ngayong araw na kahallntulad naman sa ibinawas ng Unioil Pilippines na P0.70 kada litro ng premium at unleaded gasoline at P0.40 kada litro naman sa diesel.

Ayon kay Raffy Ledesma, Strategic Communications Manager ng Petron Corporation, ang ibinawas nilang halaga sa kanilang produkto ay sumasalamin lamang sa pagbagsak ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply