Si ‘Tambobo’ ng Tondo

KUNG may isang magulong lugar sa Maynila na dapat pagtuunan ng pansin ni Mayor Fred Lim, ito ay ang tinatawag na ‘Parola’ sa Tondo.

Kung bakit? Aba’y dito raw kasi naglulungga ang grupo ng mga ‘halang ang kaluluwa’ na gumagawa ng iba’t ibang krimen.

Sa lugar na ito, isang nagngangalang ‘Tambobo’ ang sinasamba ng mga residente na parang ‘Hari’ dahil sa angking popularidad.

Sa sobrang kasikatan, wala raw panama si Dirty Harry at Asiong Salonga kung pag-uusapan ay ‘popularidad’ sa Parola, Tondo.

Dahil kung magbobotohan at pipiliin ng mga taga-Parola kung sino ang sikat, tiyak landslide raw ang panalo ni Tambobo.

Kung isalarawan si ‘Tambobo’,  siya raw ay ‘di nalalayo sa gawain ng pamosong si Don Vito Corleone na kilala sa tawag na ‘Godfather’.

Si Corleone ay sumikat dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen sa bansang Amerika (kung tama ang ating memorya).

Tulad ni Corleone, si ‘Tambobo’ at mga alaga ay sangkot umano sa gunrunning, drug trafficking at iba pang krimen.

Itinuturo ang grupo ni ‘Tambobo’ na siyang nasa likod din ng hol-dapan, iligal na sugalan at ma-lawakang extortion sa Tondo.

Kung tawagin nga siya’y ‘Hari ng Tondo’ dahil sa angkin nitong impluwensya at kasikatan sa mga residente ng ‘Parola’, Tondo.

Wala ni sinong naglalakas-loob na punahin ang mga masamang gawain ng taong ito dahil ang mga sumasalungat ay pinarurusahan umano nang matindi.

Kung totoo ang ulat na ito na ipinaabot sa Chokepoint, aba’y kailangang kumilos si Mayor Lim. Tama na, sobra na ang pama-mayagpag.

Kailangang putulin na ang ‘sungay’ ni ‘Tambobo’ ni ‘Dirty’ Harry’ para ‘di na dumami pa ang kanyang nagiging mga biktima.

Knowing the former WPD/NPD chief, DILG secretary at National Bureau of Investigation  director, nakuh, eh, may kalalagyan si ‘Tambobo’.

GREETINGS

Masayang kaarawan kay Jareina Fidz C. Peralta na magdiriwang ng kanyang 1st birthday bukas (May 18).

Ang pagbati ay mula sa mga kapatid na sina Kevin, Kalen, Jalen at Jannah.

Happy birthday rin kay Cre-sencio Calipay, Jr. (May 17) at  kay Simone Yvanna de Loyola na magdiriwang ng kaarawan sa Mayo 22. Mula kay Mommy Jinky ng Malabon Public Information Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply