Si Gen. dela Vega, si Ms. Nancy Villanueva at VK sa Taguig

BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga nag-text message at nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga  lugar ngunit  tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kani-lang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang nakasaad sa kanilang mga padalang text message at e-mail sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

“Tama po kayo, Mam Lily. Pampapogi at dagdag lang sa collection ‘yung itinatag na unit ni General Dela Vega, ng QCPD. Ngayon lang yata ako nakarinig na ang hepe ng isang  unit ng pulis ay hindi pulis o abogado. Alisin na yang unit na yan, Gen. Dela Vega. Natututo lang na maging corrupt ‘yung mga taong nasa unit na yan.

“Bakit naman kasi, sa dinami-rami ng opisyal diyan sa Kampo Crame, itong si Dela Vega pa ang pinaupo. Tingnan n’yo nga, ang liliit lang na krimen ay hindi pa ma-solve.”

“HINDI sinungaling si Mam Nancy Villanueva. Kay Atienza pa lang P3,000 na ang sahod ng mga volunteer. Mahal niya ang mga volunteer, pinipilit niyang maiangat ang sahod namin, ang dami lang kontra at lalong ‘di siya kurakot.

“Lahat ng kinita ng MTPB ay pasok lahat sa kabang yaman ng city hall at ‘yung si Gacutan, nung siya pa ang nakaupo, ipinapautang niya yung sahod namin. P2,500 na lang ang nakukuha namin. Hindi gaya ngayon, nagagalit nga si Mam pag ‘di pa kami nakasasahod.”

“totoo po ‘yung inilagay n’yo sa diyaryo. Napakarami talagang VK dito sa amin sa Taguig. Bulag ang mga awtoridad dito. Maging ang  mga  tao ng city hall, wala nang ginawa kundi pumunta sa iba’t ibang lugar dito para mangampanya kahit napakalayo pa ng election.”

“PAREHO po tayo ng pangyayari tungkol sa sinasabing reward ng GLOBE. Pag nag-claim ka na ng reward, ang sagot nila lagi e invalid yung keyword na ginagamit ko. E sinusunod ko naman yung example nila kung papaano mag-claim. Tayo ang ninanakawan ng GLOBE.  Tama ‘yung article na isinulat nyo.

Para sa inyong mga comment, reaction at suggestion, maaari po kayon mag-text sa 09155683000 at 09087230036 o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply