Sigalot kay Ombudsman Morales kinumpirma ni Corona

PANIWALA ni Chief Justice Renato Corona na isa sa dahilan ng pagtestigo ni Ombudsman Carpio-Morales laban sa kanya ay ang pagharang ng punong mahistrado sa malaking badyet na hinihingi ng huli bilang retirement fee.

Habang nakasalang sa witness stand, tinanong ni Senator-judge Jinggoy Estrada ang naiisip na dahilan ng punong mahistrado para ilabas ng Ombudsman ang mga dokumento na nagbulgar sa sinasabing 82 bank accounts ni Corona.

Ibinunyag din ni Corona na halos doble ang hininging badyet ng Ombudsman na hindi man tuwirang hiningi sa kanya ay idinaan naman aniya sa clerk of court.

Dagdag pa ni Corona, ang retirement fee ng isang Ombudsman ay umaabot ng mula P500,000 hanggang P600,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply