Sikreto sa palakad ng BPLO

SA mga nagdaang taon, marami sa mga negosyante o tauhan nila ang hirap mag-ayos ng papeles ng kanilang mga negosyo sa Lungsod ng Quezon.

May mga nag-post pa sa social network kaugnay sa mga reklamo nila sa pagkuha ng lisensiya sa Quezon City at nagsasabing hindi pa rin nawawala ang “red tape” o lagayan sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Ngayong nakaupong hepe ng BPLO ni QC Mayor Herbert Bautista si Garry Domingo, nabawasan kung hindi man tuluyang nawala ang kalakaran ng lagayan, kurakot at palakasan sa nasabing tanggapan.

Naging mabigat ang trabaho ng assistant to the chief executive BPLO na si Julius Avenido dahil walang tigil ang pagsisikap niya upang tuluyang mabuwag ang samahan ng mga tiwaling empleyado na sumisira sa magandang simulain ni Bistek na linisin at ayusin ang palakad sa tanggapan.

Naging mahigpit ang task force ng BPLO na pinangungu-nahan ni Avenido.

Sa umaga ay abala ang grupo sa pag-iikot upang suriin ang mga negosyo at alamin kung sumusunod ang mga ito sa mga alituntunin upang hindi masisi ang pamahalaan sakaling may mangyaring aberya.

Sa BPLO, natural lang na may pagbigyan at hindian si Domingo dahil hindi naman lahat ng transaksyon ay puwedeng pikitan ng mata para lang mapagbigyan ang lumalapit na sinoman.

May malalaking establisimyento na ang padrino ay matitikas na politiko at binangga na ng BPLO dahil sa paghiling na mapagbig-yan sila bagaman kulang ang mga papeles o requirement nila.

Sa tingin ko, isa lang ang sikreto ni Avenido kung bakit maayos ang takbo ng BPLO — ang pagharap at pakikipag-usap nang matino sa sinomang magtungo sa kanilang tanggapan.

Ipinaliliwanag niyang mabuti sa tao ang mga kailangang gawin upang maayos.

Bagaman pagod na ay hindi ito sumisimangot.

Sakaling hindi man niya kayang asikasuhin lahat ang humihingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan na alalayan ang bisita nila.

Ang ganitong sitwasyon naman ay hindi nalalayo sa Maynila.

Ang hepe ng Business Promotion and Development Office (BPDO) na si Nelson Alivio ay lagi ring handa na harapin nang may ngiti sa mga labi ang sinomang bisita na dumudulog sa kanyang opisina.

Hindi man niya napagbigyan ang negosyante dahil may kulang na papeles ay nakangiti pa ring lumalabas ng kanyang tanggapan dahil ipinaliliwanag niya ang kulang sa mga kailangan.

Kapag na-comply ang mga requirement ay handa na naman siyang harapin at tulungan ang mga negosyante lalo na ang maliliit.

Sana patuloy na ganito ang gawain ng mga taong gobyerno na talagang ang nasa puso ay makapaglingkod at hindi ang makalamang sa kanilang kapwa.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply