Simbahan nababahala sa patuloy na pagpaslang ng mga environmental advocate sa bansa

NABABAHALA ang mga church peace, justice at environmental advocate sa patuloy na  pagtaas ng pagpatay sa mga anti-mining advocates sa bansa.

Ayon kay CBCP-NASSA executive secretary Fr.Edu Gariguez , nakababahala at nakakatakot ang kawalan ng aksiyon ng mga otoridad, lokal na pamahalaan at national government sa nagaganap na pagpatay sa mga environmental advocate at lumalalang impunity sa bansa.

Ayon kay Father Gariguez, walang ginagawang hakbang ang pamahalaan at nagpapatuloy ang pagpatay sa mga lider sa mga kanayunan na nagtatanggol para tutulan ang pagmimina at iba pang environmental disasters.

“Nakababahala at nakakatakot na po ang pagtaas ng bilang ng napapaslang na anti mining advocate matapos itumba si Doc Gerry Ortega sa Palawan.Napapansin po ng Simbahan na mabagal ang pagbibigay ng katarungan sa mga biktima at kawalan ng aksiyon ng mga otoridad at mga opisyal ng pamahalaan sa problema”.pahayag ni Fr. Gariguez.

Sinabi ni Fr. Gariguez na nakalulungkot isipin na tila mga kumpanya lamang ng mina ang sinisikap na paboran ng gobyerno at nagiging biktima ng extra judicial killings ang mga tumututol sa pagmimina.

“Parang mas pinapaboran ng pamahalaaan ay ang mga mining companies..na papasukin pa sa bansa..pero kung ang pag-uusapan  ay ang nangyayaring pagpaslang bantulot ang gobyerno at mabagal ang pagbibigay ng katarungan sa mga bikitma,” sinabi ni Fr.Gariguez sa panayam ng Radio Veritas
.
Binigyan diin ni Fr.Gariguez na hindi na maganda at hindi na nakakatuwa ang kawalan ng seguridad at kapabayaan ng mga otoridad at gobyerno na protektahan ang mga ordinaryong mamamayan sa kamay ng mga criminal at maimpluwensiyang tao.

“20 environmentalist na ang napapatay sa nakalipas na 2 taon ng administrasyong Aquino.Nasaan ang mga otoridad, ang gobyerno? Iniisip pa ba nila ang seguridad ng mga mamamayan partikular sa mga kanayunan?”nagtatakang tanong ng pari sa panayam ng Radio Veritas

Nauna rito, kinondena nina Borongan Bishop Crispin Varquez, Catarman Bishop Emmanuel Trance at Calbayog Bishop Isabela Abarguez ang pagpaslang sa environmental advocate na si Francisco Canayong, lider ng Samar Island Partnership for Peace and Development.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply