Sin tax bill inaprubahan na ng Kamara

INAPRUBAHAN na ng Committee on Ways and Means ang panukalang karagdagang buwis o Sin Tax sa mga sigarilyo at nakalalasing na produkto sa ginanap na botohan kanina ng house panel.

Umani ng botong 46 na pabor at 14 na kontra para sa excise tax na 10 porsyento na nakapaloob sa sin tax bill, ang  house bill 5727 ni Rep. Joseph Abaya.

Nabatid na ang karagdagang excise tax na 10% ay mapupunta sa Information Communication Technology Program ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school pati na rin sa pagpapagawa ng bagong school buildings at pagkuha ng karagdagang guro na may major na English, Math at Science.

Samantala, ikinatwiran naman ng Distilled Spirit Association of the Philippines (DSAP) sa komite na mismong mga mahihirap ang labis na maaapektuhan sa nabanggit na panukalang batas.

Inihalimbawa ng DSAP na ang kasalukuyang presyo ng alak na nasa P60 ay magiging P145 na kapag tuluyang naaprubahan ang dagdag na buwis sa susunod na tatlong taon.

Inihayag naman ni Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera na ang kanyang pagpabor sa panukala ay tama lamang at napapanahon upang madismaya ang mga mahihirap sa pag-inom ng alak at paninigarilyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply