Sin tax bill suportahan — DOH

NANAWAGAN ngayon ang Department of Health sa 77 kasapi ng Philippine Medical Association na suportahan ang kontrobersyal na sin tax bill na kasalukuyang nakabinbin sa mababang kapulungan ng Kongreso

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, makabubuti ang pagtaas sa singil na buwis sa sigarilyo, alak at iba pang tobacco at alcohol products sapagkat ang mga ito ay masama sa kalusugan

Humingi rin ng suporta ang DOH sa publiko dahil wala naman talagang mabuting maidudulot ang paninigarilyo at pag-inom ng alak

Una nang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III na kanyang sinertipikahan bilang urgent ang “sin tax reform bill” na layuning maprotektahan ang interes ng mga tobacco farmers at higit sa lahat ang buong bansa sa makokolektang buwis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply