Sindikato ng human trafficking pananagutin– De Lima

TINIYAK ngayon ni Justice Secretary Leila de Lima na makakamit na ng mga biktima ng human trafficking ang hustisya.

Ito ang sinabi ng opisyal kasunod ng matagumpay na pagkakasalba sa biktima ng human trafficking na si Jona na nakauwi ng Pilipinas kagabi (Abril 30).

Sinabi ni De Lima na titiyakin nitong mapapanagot ang sindikato ng human trafficking na nag-deploy kay Jona sa Hong Kong ngunit hindi pinasahod sa loob ng dalawang taon.

Si Jona ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport kagabi at sinalubong mismo ni De Lima kasama ang ilang opisyal ng Department of Justice.

Pinangako rin ni De Lima na pagkakalooban ng full legal assistance ng DOJ si Jona at sa pamamagitan ng kaso nito ay kanilang patutunayan na seryoso ang gobyerno sa pagpapataw ng parusa sa mga sindikatong nasa likod ng human trafficking sa bansa.

“We are mobilizing the resources of government and our private sector partners to make sure there will be no repeat of cases similar to this…“Once again, I warn human trafficking syndicates not to test nor underestimate the resolve and will of this government to go after and prosecute them,” sabi pa ni De Lima.

Sa ngayon ay tinutulungan ng DOJ si Jona sa kinakaharap na kasong overstaying and working without permit sa Shatin Court sa Hong Kong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply