Single status kinumpirma ni Pimentel

INAMIN na ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na kumpirmado nang hiwalay siya sa kanyang misis na si Jewel May Lobaton na may dalawa silang anak na lalaki.

“This may well be the most difficult public pronouncement I will ever be making in my entire life.  And painful too, as every separation involves a certain degree of pain,” aniya.

“I confirm my separation from my wife of close to 12 years, Jewel May Lobaton. We have been living separately since November 2011,’ dagdag ni Pimentel.

Sinabi pa ni Pimentel na sinubukan pa niyang resolbahin ang mga isyung namagitan sa kanilang mag-asawa, ngunit nabigo siyang makumbinsi ang kabiyak na magka-unawaan.

Tiniyak naman ni Pimentel na hindi maapektuhan ng kanyang paghihiwalay sa kabiyak sa kanyang tungkulin bilang senator-judge sa ginaganap na Impeachment trial kay Chief Justice Renato C. Corona.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply